AFP tuloy paghahanap sa 16 nawala kay ‘Ulysses’

Hindi tumitigil ang Armed Forces of the Philippines sa search and rescue operation para sa 16 nawawalang katao sa paghagupit ng bagyong Ulysses sa bansa.

The post AFP tuloy paghahanap sa 16 nawala kay ‘Ulysses’ first appeared on Abante.

afp tuloy paghahanap sa 16 nawala kay ulysses - AFP tuloy paghahanap sa 16 nawala kay ‘Ulysses’
afp - AFP tuloy paghahanap sa 16 nawala kay ‘Ulysses’

Hindi tumitigil ang Armed Forces of the Philippines sa search and rescue operation para sa 16 nawawalang katao sa paghagupit ng bagyong Ulysses sa bansa.

Ayon kay AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo, tuloy ang paghahanap ng Northern at Southern Luzon Command sa mga missing person.

“Halimbawa na diyan ‘yung tropa natin sa NOLCOM na magpahanggang ngayon may mga hinahanap pa rin sila na missing na tao sa Banaue,” saad ni Arevalo sa DZBB.

“Samantala, dito naman sa SOLCOM, ini-schedule na natin ang paghahanap naman dito sa mga nawawalang mangingisda, at helicopter naman ang ating gagamitin,” aniya pa.

Aabot sa 73 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa, base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. (RP)

The post AFP tuloy paghahanap sa 16 nawala kay ‘Ulysses’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *