AFP, PNP may 100 pekeng FB, IG account

Sinara ng social media giant Facebook ang higit 100 pekeng account na naiugnay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) dahil sa “coordinated inauthentic behavior” o CIB.

The post AFP, PNP may 100 pekeng FB, IG account first appeared on Abante.

afp pnp may 100 pekeng fb ig account - AFP, PNP may 100 pekeng FB, IG account
abante fb ig - AFP, PNP may 100 pekeng FB, IG account

Sinara ng social media giant Facebook ang higit 100 pekeng account na naiugnay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) dahil sa “coordinated inauthentic behavior” o CIB.

Kinumpirma ito ni Facebook cybersecurity policy chief Nathaniel Gleicher sa isang online press conference nitong Setyembre 22.

Kabilang aniya sa naturang domestic network ang 57 Facebook account, 31 page, at 20 Instagram account. Mayroon silang higit 276,000 FB follower at 55,000 IG follower.

Ayon kay Gleicher, karamihan sa pino-post ng mga pekent account ay pambabatikos sa oposisyon, aktibismo, at komunismo.

Naging pinakaaktibo aniya ang network mula 2019, sa kasagsagan ng talakayan sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act.

Bukod dito, may isa pang network na natunton ang Facebook na gumagawa ng CIB.

Isa aniya itong grupo mula sa Fujian province, China na nagpo-post pawang tungkol sa pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa posibleng pagtakbo bilang pangulo ni presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.(RC)

The post AFP, PNP may 100 pekeng FB, IG account first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *