Advance payment sa COVID vaccine OK na kay Duterte

Makikipagsabayan ang Pilipinas sa mga bansang nais makakuha agad ng supply ng bakuna kontra COVID-19.

The post Advance payment sa COVID vaccine OK na kay Duterte first appeared on Abante.

advance payment sa covid vaccine ok na kay duterte - Advance payment sa COVID vaccine OK na kay Duterte
pera 1 - Advance payment sa COVID vaccine OK na kay Duterte

Makikipagsabayan ang Pilipinas sa mga bansang nais makakuha agad ng supply ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte para magbigay ng advance payment sa mga kumpanyang unang maglalabas ng coronavirus vaccine sa pamamagitan ng advance market commitments.

“Papasok po tayo ng advance market commitments kasama ng private vaccine developers para sa pagbigay ng advance payments sa kanila,”ani Roque.

Kapag hindi aniya ito gawin ng gobyerno ay baka mangulelat ang Pilipinas sa pagkuha ng bakuna dahil sa dami ng mga bansang nais makakuha agad para magamit sa kani-kanilang mamamayan.

“Pumayag na po tayo na magkakaroon ng advance kasi pag hindi tayo pumayag eh baka mangulelat tayo doon sa mga bansa na makakakuha ng vaccine ” dagdag ni Roque.

Nakita aniya ni Pangulong Duterte ang listahan ng mga bansang maagang nagpa-reserba at nagbigay ng paunang bayad kaya hindi rin aniya magpapahuli ang Pilipnas.

Tiniyak ni Roque na mayroon ng nakalaang pondo ang gobyerno para sa pagbili ng bakuna at kung kukulangin pa ito ay gagawa ng paraan para mabili ang bakuna para sa lahat ng mga Pilipino.

“Noong una ayaw ni Presidente yan, pero nung nakita po niya yung listahan ng mga bansang nag-a-advance payment eh hindi naman tayo magpapahuli no basta meron naman tayong pondo,” wika ni Roque.

Sakaling kulangin ang perang pambili ng bakuna, sinabi ng kalihim na maaarin magbenta ng ari-arian ng gobyerno kung kinakailangan basta matiyak na mabigyan lahat ng vaccine ang mahihirap na Pilipino.

“Kung kinakailangang ibenta ang mga ari-arian ng gobyerno gagawin nya yan, pero dahil nga importanteng masiguro na meron tayong bakuna, pumayag na po siya nung tinatawag na advance payment,” dagdag pa ni Roque. (Aileen Taliping)

The post Advance payment sa COVID vaccine OK na kay Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *