Adik sa vaping: Amerikano dedo sa lung disease

ISANG pasyente na naadik sa va­ping ang namatay sa ospital sa Illinois matapos tamaan ng severe respiratory illness.

adik sa vaping amerikano dedo sa lung disease - Adik sa vaping: Amerikano dedo sa lung disease
patay 3 - Adik sa vaping: Amerikano dedo sa lung disease

ISANG pasyente na naadik sa va­ping ang namatay sa ospital sa Illinois matapos tamaan ng severe respiratory illness.

Ang pasyente na hindi binanggit ang pangalan, edad at kasarian ay isa sa 153 kataong nagkasakit sa u­nang anim na buwan ng 2019, ayon sa datos na pinalabas ng Center for Disease Control and Prevention.

Hindi pa makumpirma ang pagkakasakit ng mga ito, pero posibleng may kinalaman ito sa paggamit nila ng e-cigarette.

Naalarma tuloy ang health department ng Illinois sa paglobo ng bilang ng nagkakasakit na maaaring dulot ng vaping.

Dahil dito ay humingi sila ng tulong sa Center for Disease Control and Prevention upang maimbestigahan ang paglobo ng taong nagkakasakit sa posibleng paghithit ng e-cigarette.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *