ACT-CIS nagpasalamat kay Duterte, DOJ sa hindi pagpapalaya kay Sanchez

Nagpaabot ng pasasalamat ang ACT-CIS Partylist kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ipag-utos sa Department of Justice (DOJ) na huwag palayain ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.

act cis nagpasalamat kay duterte doj sa hindi pagpapalaya kay sanchez - ACT-CIS nagpasalamat kay Duterte, DOJ sa hindi pagpapalaya kay Sanchez
tonite DOJ - ACT-CIS nagpasalamat kay Duterte, DOJ sa hindi pagpapalaya kay Sanchez

Nagpaabot ng pasasalamat ang ACT-CIS Partylist kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ipag-utos sa Department of Justice (DOJ) na huwag palayain ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat isama ang mga bilanggo na gumawa ng karumal-dumal na krimen sa Early Release Program sa ilalim ng RA 10592.

Unang nagpahayag ng pagka­bahala si ACT-CIS Rep. Eric Yap sa balitang lalaya na si Sanchez sa kabila ng 7 life sentence nito.

Kaagad na lumiham kay DOJ Sec. Menardo Guevarra si Cong. Yap na humihiling na rebyuhin muna ang kaso ni Sanchez at lahat ng may kasong ‘heinous crime’ bago sila palabasin ng kulungan kahit eligible na silang lumaya.

Naghain din ng resolusyon si Yap sa Committee on Justice ng Kamara na rebyuhin ang nasabing batas at rebisahin ang Implemen­ting Rules and Regulation o IRR nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *