Acosta nganga! P19M ng PAO forensic lab tsutsugiin

KINUWESTIYON ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kawalan ng ligal na basehan sa pagbuo ng Public Attorney’s Office (PAO) ng sariling forensic unit na umano’y duplikasyon ng forensic work ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police.

acosta nganga p19m ng pao forensic lab tsutsugiin - Acosta nganga! P19M ng PAO forensic lab tsutsugiin
acosta - Acosta nganga! P19M ng PAO forensic lab tsutsugiin

KINUWESTIYON ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kawalan ng ligal na basehan sa pagbuo ng Public Attorney’s Office (PAO) ng sariling forensic unit na umano’y duplikasyon ng forensic work ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police.

Dahil dito, isusulong ni Drilon na ilipat ang P19.5 milyong pondo ng forensic laboratory ng PAO sa NBI para ma-improve ang kanilang crime laboratory.

Sa budget hearing ng Department of Justice (DOJ), sinabi ni Drilon na walang kapangyarihan at mandato ang PAO na magtayo ng sariling forensic unit na kanilang ginamit sa pag-imbestiga at paghahain ng kaso na may kinalamang sa diumano’y namatay dahil sa Dengvaxia.

Ito ay sa kabila rin na pagkuwestiyon ng ilang private health expert at Department of Health sa finding ng PAO.

“The problem is, you want to be the NBI by putting up your forensic laboratory. Doctor ka na, pulis ka pa,” sabi pa ni Drilon kay PAO chief Persida Acosta.

Ayon pa kay Drilon, ang pagkakaroon umano ng magkaibang resulta sa forensic examination sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, kabilang ang PAO, ay maglalagay sa panganib sa hustiya.

Depensa naman ni Acosta, ang pagbuo umano ng hiwalay na unit ng forensic investigation ay ibinase niya sa iba’t ibang bansa kabilang ang 2019 General Appropriations Act.

Subalit giit ni Drilon, wala umanong batas na nag-aatas sa PAO na magbuo ng sariling forensic unit, kahit na mismo sa kanilang charter. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *