Academic break ipaubaya sa mga LGU – Go

Dapat hayaan na lang sa mga local government unit (LGU) ang pagpapasya sa mga panukalang magkaroon ng academic break ang mga mag-aaral dahil sa nagdaang kalamidad, ayon kay Senador Bong Go.

The post Academic break ipaubaya sa mga LGU – Go first appeared on Abante.

academic break ipaubaya sa mga lgu go - Academic break ipaubaya sa mga LGU – Go
bong go 2 - Academic break ipaubaya sa mga LGU – Go

Dapat hayaan na lang sa mga local government unit (LGU) ang pagpapasya sa mga panukalang magkaroon ng academic break ang mga mag-aaral dahil sa nagdaang kalamidad, ayon kay Senador Bong Go.

Sabi ni Go, wala namang face to face learning kaya mas mabuting ang mga LGUs na ang magpasya dahil nakikita nila ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan tulad ng Marikina city at iba pang binahang lugar.

Aniya, hindi naman dapat ipatupad ang academic break sa mga lugar na hindi sinalanta ng bagyo dahil sayang ang panahon ng mga estudyante.

Tiniyak naman ni Go na mananatili siyang tulay ng mga guro partikular ng mga nasa private schools na nawalan ng trabaho dahil sa bumagsak na enrollees sa mga pribadong paaralan.

Kinumpirma pa nitong sumulat sa kanya ang grupo ng mga private school teachers kaya tutulungan niya ang mga ito kung saan nakiusap na siya sa pamahalaan na matulungan ang mga ito.

Tiniyak pa nitong makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang 60,000 na mga private schools teachers.

Aniya, may pamilya din ang mga private school teacher na dapat nilang suportahan kaya kailangan silang tulungan ng pamahalaan. (Dindo Matining)

The post Academic break ipaubaya sa mga LGU – Go first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *