Academic break! 1 week walang klase mga unibersidad sa NCR

Ilang unibersidad at paaralan sa Metro Manila ang nagpatupad ng academic break dahil sa epekto ng bagyong Ulysses.

The post Academic break! 1 week walang klase mga unibersidad sa NCR first appeared on Abante.

academic break 1 week walang klase mga unibersidad sa ncr - Academic break! 1 week walang klase mga unibersidad sa NCR
abnate pup - Academic break! 1 week walang klase mga unibersidad sa NCR

Ilang unibersidad at paaralan sa Metro Manila ang nagpatupad ng academic break dahil sa epekto ng bagyong Ulysses.

Kabilang sa mga unibersidad na nagpatupad ng academic break ay ang University of Sto. Tomas (UST) ,Polytechnic University of the Philippines (PUP) , Ateneo de Manila.

Kasama rin ang ilang iskul sa Manila,Pasig City at Quezon City na nagpatupad ng academic break mula Nobyembre 16-17.

Sa UST, suspendido ang klase mula Nob.16 – 21 habang sa PUP ay mula Nobyembre 16-27.

Ang hakbang na ito ay ginawa para mabigyan ng pagkakataon ang mga esatudyante at faculty members na makarekober sa impact ng bagyo.

Habang sa Ateneo de Manila naman ay walang klase mula Nob.16-21 dahil hindi umano naibabalik ang kuryente at mayroon pang mga baha sa paligid.

Ang De La Salle University ay inatasan na magbawas ng academic week load at pinababawasan ang oras na inilalaan sa synchronous sessions.

Kanselado rin ang online classes ng Caloocan City base sa desisyon ng DepEd Schools division office at tatagal ito hanggang November 21.(Juliet de Loza-Cudia/Kiko Cueto)

The post Academic break! 1 week walang klase mga unibersidad sa NCR first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *