ABS-CBN sumirit lugi sa P7.3B

Nalugi ang ABS-CBN Corporation ng mga Lopez ng P7.3 bilyon sa unang siyam na buwan ng taon matapos pagkaitan Kongreso ng prangkisa at ipatigil ng National Telecommunications Commission ang digital TV transmission nito.

The post ABS-CBN sumirit lugi sa P7.3B first appeared on Abante.

abs cbn sumirit lugi sa p7 3b - ABS-CBN sumirit lugi sa P7.3B
AbsCbn - ABS-CBN sumirit lugi sa P7.3B

Nalugi ang ABS-CBN Corporation ng mga Lopez ng P7.3 bilyon sa unang siyam na buwan ng taon matapos pagkaitan Kongreso ng prangkisa at ipatigil ng National Telecommunications Commission ang digital TV transmission nito.

Bagsak ng 192% ang advertising income ng ABS-CBN sa P5.8 bilyon noong katapusan ng Setyembre mula sa P17.1 bilyon na itinala nitong Enero hanggang Setyembre 2019. Maliban sa installation service revenue na umakyat ng kaunti, bagsak lahat ng pinagkakakitaan ng ABS-CBN.

Ang consolidated revenues ng ABS-CBN ay bumaba ng 47% sa P17 bilyon sa unang siyam na buwan ng taon mula sa P32 bilyon nang parehong panahon noong 2019. Naibaba ng ABS-CBN ang gastos nito ng 18% sa P23.6 bilyon mula sa P29 bilyon kaya ito nagtala ng lugi o net loss na P7.3 bilyon. (Eileen Mencias)

The post ABS-CBN sumirit lugi sa P7.3B first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *