ABS-CBN franchise renewal isinampa ulit sa Kamara

ABS-CBN franchise renewal isinampa ulit sa Kamara

Isang taon bago mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN, muling inihain kahapon sa Kamara ang panukalang batas para mabigyan ng 25-taon extension ng prangkisa ang network.

The post ABS-CBN franchise renewal isinampa ulit sa Kamara appeared first on Abante News Online.

abs cbn franchise renewal isinampa ulit sa kamara - ABS-CBN franchise renewal isinampa ulit sa Kamara
abs 2 - ABS-CBN franchise renewal isinampa ulit sa Kamara

Isang taon bago mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN, muling inihain kahapon sa Kamara ang panukalang batas para mabigyan ng 25-taon extension ng prangkisa ang network.

Inihain ito ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago sa ilalim ng House Bill 676, isang taon bago mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa ilalim ng Republic Act No. 7966.

Si Violago din ang naghain ng kahintulad na panukala noong 17th Congress na binuro lamang ng House committee on legislative franchise sa ilalim ng liderato ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Gloria Macapagal-Arroyo.

Ilang beses nang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Pero noong nakaraang Lunes, sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar na hindi na raw haharangin ni Pangulong Duterte ang prangkisa ng network.

“Sa palagay ko naman kapag pumasa na sa Kongreso, okay na. Kapag pumasa sa Kongreso, kasi nasa Kongreso pa eh nasa kanila ang bola sa nga­yon. ‘Yun ang palagay ko,” wika ni Andanar. (JC Cahinhinan)

The post ABS-CBN franchise renewal isinampa ulit sa Kamara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *