Abante columnist wagi sa 38th National Book Awards

WAGI sa kategoryang Best Book of Nonfiction Prose in Filipino ang aklat ni Abante columnist at University of Santo Tomas professor Joselito D. De Los Reyes sa 38th National Book Awards na ipinagkakaloob taon-taon ng National Book Development Board at Manila Critics Circle.

abante columnist wagi sa 38th national book awards - Abante columnist wagi sa 38th National Book Awards
delos santos - Abante columnist wagi sa 38th National Book Awards

WAGI sa kategoryang Best Book of Nonfiction Prose in Filipino ang aklat ni Abante columnist at University of Santo Tomas professor Joselito D. De Los Reyes sa 38th National Book Awards na ipinagkakaloob taon-taon ng National Book Development Board at Manila Critics Circle.

Ang aklat na ‘Fin­ding Teo: Tula/Talambuhay’ ay biography ng dati ring Abante columnist at makatang si Teo T. Antonio na nakabase ngayon sa Estados Unidos. Bahagi ang aklat ng disertasyon ni De Los Reyes para makamit ang kaniyang doktorado mula sa De La Salle University sa Maynila noong 2016. Si De Los Reyes ang kasalukuyang coordinator ng Creative Writing Prog­ram ng UST.

Naging mahala­gang bahagi ng aklat ang pagtalakay sa buhay ni Antonio noong siya ay sumusulat pa ng lingguhang kolum sa pahayagang ito sa paraang patula. Karaniwang may kinalaman ang patulang kolum ni Antonio sa napapanahong isyu noong dekada ‘80 mula sa politika, panga­ngalaga sa kalikasan, showbiz, hanggang sa sports.

Makakabili ng kopya ng ‘Finding Teo: Tula/Talambuhay’ sa piling mga bookstore sa bansa at sa UST Publishing House sa UST campus sa España, Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *