9 na sasakyan inararo ng truck, 1 todas

Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang babae matapos araruhin ng isang ten-wheeler cargo truck ang siyam na iba pang sasakyan sa J.P. Laurel highway sa Lipa City.

The post 9 na sasakyan inararo ng truck, 1 todas appeared first on Abante News Online.

9 na sasakyan inararo ng truck 1 todas - 9 na sasakyan inararo ng truck, 1 todas
abante accident 1 - 9 na sasakyan inararo ng truck, 1 todas

Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang babae matapos araruhin ng isang ten-wheeler cargo truck ang siyam na iba pang sasakyan sa J.P. Laurel highway sa Lipa City.

Idineklarang dead on-the-spot ang biktima na nakilalang si Jocelyn Aguila na pumailalim sa truck at nakaladkad pa ng ilang metro.

Batay sa imbestigasyon ng Lipa City Police, patungo sa direksyon ng city proper galing direksyon ng San Jose ang siyam na nasa unahang sasakyan nang mawalan ng preno ang nasa hulihang truck na may plate number TDN 780 sa may bahagi ng Brgy. Tambo dakong alas-9:00 Sabado nang umaga.

Tumilapon ang biktima matapos umanong salpukin ng rumaragasang truck ang sinasakyan nitong tricycle.

Kasabay nito ay sunod-sunod pang inararo ng truck ang walo pang sasakyan na kinabibilangan ng kotse, van at pick-up na lahat ay nagtamo ng pinsala.

Agad ding naaresto ng pulisya ang driver ng truck na kinila­lang si Dindo Organo, dahilan nito, nawalan umano ng preno ang sasakyan, sinubukan umano nito na iwasan ang mga tao ngunit naararo naman ang mga kasunod na sasakyan.

Nakakulong na sa Lipa City police station at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple damage to properties. (Ronilo Dagos)

The post 9 na sasakyan inararo ng truck, 1 todas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *