9 marinong Pinoy dinukot sa Africa

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang insidente ng pangingidnap sa siyam na Pinoy sa Benin nitong Linggo (Nobyembre 3).

9 marinong pinoy dinukot sa africa - 9 marinong Pinoy dinukot sa Africa
seamens - 9 marinong Pinoy dinukot sa Africa

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang insidente ng pangingidnap sa siyam na Pinoy sa Benin nitong Linggo (Nobyembre 3).

Ayon sa DFA, kailangan muna nilang iberipika ang insidente bago maglabas ng opisyal na pahayag hinggil dito.

“We are working to release an initial statement on the previous report of abduction in Benin this morning. This 2nd report on Togo will also need primary verification before statement release,” saad ni DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez.

Paliwanag ng DFA, walang embahada ang Pilipinas sa lugar ng pinangyarihan ng kidnapping.

Kung kaya’t ginagawan nila ng paraan para makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Abuja, Nigeria.

Lumalabas sa report na siyam na tripulanteng Pinoy ang kinidnap ng mga pinaniniwalaang grupo ng mga pirata habang naghihintay ang mga ito sa Port of Cotonou sa Benin, ayon sa mga port authority.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DFA sa embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa hinggil sa pagdukot sa mga tripulanteng Pinoy.(Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *