9 luxury car, chopper ng KAPA babawiin

MATAPOS na mabawi ng Securities and Exchance Commission (SEC) ang mahigit sa P100 milyong ari-arian na konektado sa Kapa Community Ministry International dahil sa freeze order na inisyu ng Court of Appeals, plano pa ng ahensya na makuha ang siyam na luxury car at sports utility vehicle pati na ang helicopter na rehistrado sa grupo at mga opisyal nito.

The post 9 luxury car, chopper ng KAPA babawiin appeared first on Abante News Online.

9 luxury car chopper ng kapa babawiin - 9 luxury car, chopper ng KAPA babawiin
kapa 3 - 9 luxury car, chopper ng KAPA babawiin

₱100M pondo sa bangko nasa SEC

MATAPOS na mabawi ng Securities and Exchance Commission (SEC) ang mahigit sa P100 milyong ari-arian na konektado sa Kapa Community Ministry International dahil sa freeze order na inisyu ng Court of Appeals, plano pa ng ahensya na makuha ang siyam na luxury car at sports utility vehicle pati na ang helicopter na rehistrado sa grupo at mga opisyal nito.

Ayon sa SEC, ang mahigit sa P100 milyong nabawi ng SEC ay nakuha sa mga bangko. Bukod sa salapi, kasama sa mga nakuha ay mga cryptocurrency, insurance policy at iba pang ari-arian na nakapangalan sa Kapa dahil sa freeze order ng CA noong Hunyo 4.

Tinitignan na rin ng ahensya ang ospital, paaralan at iba pang property na sinabi ng Kapa na binili na nito.

“Kapa amassed wealth through an investment scam, in the guise of religion and at the expense of the investing public,” sabi ni SEC chair Emilio B. Aquino.

“We cannot simply wait for the fraudulent investment scheme to crumble and for the investors to suffer before we take action,”dagdag pa nito.

Rehistrado ang Kapa bilang religious organization kung saan tinawag nitong ‘donation’ ang perang tinatanggap nito sa mga tao at ‘blessings’ naman ang tawag sa interes na kinikita ng mga donasyon.

Ang Kapa ay pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario at asawa nitong si Reyna.

Nasa P10,000 ang pinakamababang perang ibinibigay ng mga tao sa Kapa kapalit ang 30% interes buwan-buwan, habambuhay na walang kailangang gawin.
Itinuturing ng SEC na pyramiding o Ponzi scheme, ang ginagawa ng Kapa dahil sa sobrang laking interes na inaalok nito sa mga investor nito.

Naglabas ng babala ang SEC tungkol sa Kapa noon pang Marso 2017. Inisyuhan na rin ito ng cease and desist order noong Pebrero at binawi na ang registration nito nitong Abril.

“Kapa violated the law and must now face the consequences of its actions,” dagdag ni Aquino. (Eileen Mencias)

The post 9 luxury car, chopper ng KAPA babawiin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *