9 dinampot sa pagsusugal sa Pasig

Arestado ang siyam katao kabilang ang walong babae matapos ireklamo sa barangay ng pagsusugal sa loob ng bahay na ginagawang pasugalan kamakalawa nang hapon sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

9 dinampot sa pagsusugal sa pasig - 9 dinampot sa pagsusugal sa Pasig
Abante kulong - 9 dinampot sa pagsusugal sa Pasig

Arestado ang siyam katao kabilang ang walong babae matapos ireklamo sa barangay ng pagsusugal sa loob ng bahay na ginagawang pasugalan kamakalawa nang hapon sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director PBGen. Johnson C. Almazan, nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act ang siyam na arestado.

Nakilala ang mga naaresto na sina Marjorie Olana y Orasco, 25-anyos; Angelica Sibonga y Pitago, 22; Vivian Deloyola y Diaz, 43; Jay-ar Gutierrez y Masabe, 21; Regine Penilla y Su­malinog, 30; Cecilia Delos Reyes y Denque, 39; Mica Jessa Angara y Nisperos, 32; Christy Salaver y Nallana, 34 at Tessie Lomibao y Deloyola, 53, pawang mga residente ng Pasig City.

Inaresto ang siyam bandang alas-4:30 Miyerkoles nang hapon sa Alexis St., Dilang 2 Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City matapos makatanggap ng tawag ang PCP 8 Pasig City Police Station kaugnay sa nagaganap na pasugalan sa lugar.

Agad na nagresponde ang pulisya at naaktuhan ang mga suspek na nagsusugal. Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang set ng baraha at P1,126 bet money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *