81K PDL pinalaya sa panahon ng quarantine

Umabot sa may 81,888 persons deprived of liberty (PDL) ang napalaya mula nang ipatupad ang community quarantine nitong Marso.

The post 81K PDL pinalaya sa panahon ng quarantine first appeared on Abante.

81k pdl pinalaya sa panahon ng quarantine - 81K PDL pinalaya sa panahon ng quarantine
pdl - 81K PDL pinalaya sa panahon ng quarantine

Umabot sa may 81,888 persons deprived of liberty (PDL) ang napalaya mula nang ipatupad ang community quarantine nitong Marso.

Ito ang inihayag ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta sa ginanap na online meet the press nitong Biyernes. Kabilang umano dito, ang 46,032 PDL na pinalaya sa pamamagitan ng videoconference hearing at 880 na children in conflict with the law o mga kabataan na nasangkot sa krimen.

Sinabi ni Peralta na ang 19,173 napalaya ay nagbenepisyo mula sa SC circular na pinayagan ang pagpapababa ng piyansa.

Mayroon din umanong 2,980 inmate na pinalaya matapos malaman na napagsilbihan na nila ang minimum sentence ng hatol sa kanila at 8,668 na nag-apply naman ng probation. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 81K PDL pinalaya sa panahon ng quarantine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *