816 pasaway sa ordinansa sinuyod sa Pasig, Mandaluyong, San Juan

UMAABOT sa 816 mga pasaway ang nahuli sa magdamagang crime operation ng ikinasang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) kaugnay sa mga paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong,­ Marikina at San Juan.

The post 816 pasaway sa ordinansa sinuyod sa Pasig, Mandaluyong, San Juan appeared first on Abante News Online.

816 pasaway sa ordinansa sinuyod sa pasig mandaluyong san juan - 816 pasaway sa ordinansa sinuyod sa Pasig, Mandaluyong, San Juan
Abante Jailed huli - 816 pasaway sa ordinansa sinuyod sa Pasig, Mandaluyong, San Juan

By Vick Aquino

UMAABOT sa 816 mga pasaway ang nahuli sa magdamagang crime operation ng ikinasang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) kaugnay sa mga paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong,­ Marikina at San Juan.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Christopher Tambungan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO ng mga tauhan ng Eastern na ikinakasa sa magdamagang operation na nagtapos kahapon nang umaga.

Batay sa report, 12 pasaway ang nahuling sa kasong drinking in public place, nasa 124 katao ang arestado sa smoking ban, 38 ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 5 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 637 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 546 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 152 ang arestado ng Mandaluyong Police, 72 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 46 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

The post 816 pasaway sa ordinansa sinuyod sa Pasig, Mandaluyong, San Juan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *