80M naraket ni Cesar Montano hahabulin ng COA

cesar-montano

NANATILING unliquidated ang P80 milyong pondo ng Tourism and Promotions Board (TPB) na ginastos nito sa kanilang Buhay Carinderia Program, ayon sa 2018 Audit report ng Commission on Audit (COA).

The post 80M naraket ni Cesar Montano hahabulin ng COA appeared first on Abante News Online.

80m naraket ni cesar montano hahabulin ng coa - 80M naraket ni Cesar Montano hahabulin ng COA
cesar montano - 80M naraket ni Cesar Montano hahabulin ng COA

NANATILING unliquidated ang P80 milyong pondo ng Tourism and Promotions Board (TPB) na ginastos nito sa kanilang Buhay Carinderia Program, ayon sa 2018 Audit report ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA, maraming dapat na ipaliwanag si dating TPB Chief Opera­ting Officer Cesar Montano sa naging proyekto, una na dito ang pagbabayad ng P80 milyon sa Marylindbert International Inc. (MII) nang hindi inoobliga ang kontraktor na magsumite ng liquidation at utilization reports kasama na dito ang mga resibo at pagpapalabas ng ikalawang trance ng bayad nang walang mga kaukulamg dokumento ang kontraktor.

“TPB already paid a total of P80.640 million inclusive of VAT as of April 17, 2018 even without prior liquidation. TPB had only required the submission of a Summary of Expenses and Disbursements at the end of the project, with no mention of other ne­cessary supporting documents to establish the existence or completion of the project,” ayon sa COA.

Maging ang Value Added Tax (VAT) na aabot sa P3.6 milyon ay hindi rin umano siningil ng TPB sa kontraktor na paglabag sa National Internal Re­venue Code.

Layon ng Buhay Carinderia Program na i-promote ang carinderia fare sa buong bansa subalit P50 milyon umano ay ginastos sa advertisement lamang.

Bilang tugon sinabi ng TPB na ginagawa na nila na marekober ang ibinayad sa MII kasama na dito ang VAT at pagsusumite ng liquidation documents
Si Montano ay matatandaang nagbitiw sa pwesto noong 2018 matapos kanselahin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang Buhay Carinderia program dahil hindi dumaan sa public bidding.

The post 80M naraket ni Cesar Montano hahabulin ng COA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *