8,000 katao apektado ng Mindanao quake

Northern Samar, Davao Occidental nilindol

Umabot sa 1,681 pamil­ya o katumbas ng 8,402 katao ang naapektuhan ng malakas na pagyanig na naramdaman sa ilang bahagi ng Mindanao kahapon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

8000 katao apektado ng mindanao quake - 8,000 katao apektado ng Mindanao quake
quake 1 - 8,000 katao apektado ng Mindanao quake

Umabot sa 1,681 pamil­ya o katumbas ng 8,402 katao ang naapektuhan ng malakas na pagyanig na naramdaman sa ilang bahagi ng Mindanao kahapon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Tinukoy ng NDRRMC ang mga pamilya na mula sa Kidapawan, Mlang, at Tulunan, Co­tabato na sentro ng lindol na may lakas na magnitude 6.6.
Sa nasabing bilang, 3,505 pa umano ang nasa mga evacuation center habang ang iba ay binibigyan ng ayuda sa labas nito.

Sa opisyal na talaan ng nasawi, 5 ang napaulat na nasawi na kinila­lang sina Nestor Narciso, 66-anyos, ng Koronadal City, South Cotabato; Angel Andy, 22 at Rene Boy Andy, 7, ng Arakan, Cotabato; 23-anyos na buntis na si Marichelle Moria ng Tulunan; at grade 9 student na si Jesriel Pabra, 15 ng Magsaysay, Davao del Sur.

Bukod sa kanila, mayroon pang tatlong nasawi mula sa Davao del Sur na wala sa opisyal na lista­han ng NDRRMC. Kinilala ang mga biktima na sina Jerame Sarno, 36, at Joselita Regidor, 74, na nasawi naman dahil sa cardiac arrest at hyertension tulad ng pagpa-panic kasunod ng lindol.

Sa Barangay Tagaytay ng nasabing lalawigan nasawi rin si Benita Saban dahil sa landslide.

Sa tala ng NDRRMC, kabuuang 394 katao ang nasugatan, pinakamarami ang sa Cotabato.

Samantala, sa ginawang pagsusuri ng mga go­vernment engineer sa mga apektadong gusali, sinabi nitong may 133 imprastraktura ang nasira, kabilang ang 94 eskuwelahan.

Nakararanas pa rin ng aftershock sa Tulunan, pinakamalakas kahapon ay magnitude 5 na naramdaman dakong alas-5:22 nang mada­ling-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *