800 pamilya sa Batanes walang babalikang bahay

SINABI ni Batanes Gov. Marilou Cayco na mahigit 800 pamilya ang nawalan ng tahanan nang tumama ang 5.9 magnitude na lindol sa Itbayan noong Sabado nang umaga.

800 pamilya sa batanes walang babalikang bahay - 800 pamilya sa Batanes walang babalikang bahay
abante Batanes - 800 pamilya sa Batanes walang babalikang bahay

SINABI ni Batanes Gov. Marilou Cayco na mahigit 800 pamilya ang nawalan ng tahanan nang tumama ang 5.9 magnitude na lindol sa Itbayan noong Sabado nang umaga.

Sa isang panayam kay Cayco, pinahayag nito ang kalagayan ng mga pamilya na nanatiling nasa evacuation center dahil kung hindi umano parsyal ay tuluyang nawasak ang kanilang mga bahay dahil sa lindol.

Nagsisiksikan umano ang mga pamilya na nagtatyaga sa paggamit ng mga tarpaulin, o sako sa plaza. Natatakot umano ang nasa 809 na pamilya na bumalik sa kanilang mga nasirang tahanan.

Nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng P40 milyon para sa rehabilitasyon ng Itbayan.

Ayon naman kay Cayco, nagsasagawa na ng pag-survey ang mga engineer sa nasabing ba­yan para suriin ang mga gusali, kabilang ang mga eskuwelahan at simba­han para maibalik sa ayos ang lugar.

Samantala, sa pinakahuling ulat ay umabot na sa siyam ang nasawi dahil sa lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *