80 aso, pusa ni-rescue ng mag-asawa

Umabot na sa mahigit 80 na aso at pusa ang nasagip ng isang mag-asawa sa Tondo, Manila.

The post 80 aso, pusa ni-rescue ng mag-asawa first appeared on Abante.

80 aso pusa ni rescue ng mag asawa - 80 aso, pusa ni-rescue ng mag-asawa
Resuce 1 - 80 aso, pusa ni-rescue ng mag-asawa

Umabot na sa mahigit 80 na aso at pusa ang nasagip ng isang mag-asawa sa Tondo, Manila.

Kuwento ng mag-asawang sina Luzviminda Anne Morales at Ritchelle sa ulat sa telebisyon, inaalagaan nila ang mga na-rescue na hayop hanggang sa may mag-ampon sa mga ito pero kung wala ay welcome ang mga ito na manatili sa kanilang bahay.

Sila ang nasa likod ng team na Animal Rescue PH na nag-aaruga sa mga asong kalye at pusa.

Nasa 15 aso at 70 pusa na inabandona o ‘di kaya’y inaabuso sa mga kalsada ang kanilang nasagip.

Nang humagupit ang COVID-19 pandemic ay huminto muna sina Luzviminda at Ritchelle na magsagip ng mga hayop dahil kapos sila sa pondo.

Sa ngayon ay kumikita ang mag-asawa sa pamamagitan ng pagbebenta ng damit at face mask online.

Nagpapatuloy na rin ang pagtatayo ng kanilang animal shelter sa San Miguel, Bulacan.

The post 80 aso, pusa ni-rescue ng mag-asawa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *