8 sa bawat 10 Pinoy kuntento sa trabaho ni Digong

8 sa bawat 10 Pinoy kuntento sa trabaho ni Digong

Patuloy na tinatamasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na tiwala ng mayorya ng mga Pilipino.

The post 8 sa bawat 10 Pinoy kuntento sa trabaho ni Digong appeared first on Abante News Online.

8 sa bawat 10 pinoy kuntento sa trabaho ni digong - 8 sa bawat 10 Pinoy kuntento sa trabaho ni Digong
people - 8 sa bawat 10 Pinoy kuntento sa trabaho ni Digong

Patuloy na tinatamasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na tiwala ng mayorya ng mga Pilipino.

Batay sa naitalang survey ng Pulse Asia na ginawa nitong June 24-30, nakakuha ang Pa­ngulo ng markang 85% trust at approval ratings, o nanga­ngahulugang walo mula sa 10 Pilipino ang nagtitiwala at naniniwala sa kakayahan nitong magpatakbo ng gobyerno.

Napanatili ng Pangulo ang popularidad at mataas na marka, kahit bumaba ito ng dala­wang puntos mula sa survey noong Marso na may puntos na 87%.
Ang survey ay ginawa ng Pulse Asia sa buong bansa para sa Performance Ratings of top National Officials gamit ang 1,200 respondents na may edad 18 pataas.

Ang iba pang opisyal na isinama sa survey ay sina Vice-President Maria Leonor Robredo na nakakuha ng 55% approval rating, Senate President Vicente Sotto III na nakapagtala ng 77% approval rating, Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin , 41% habang kulelat naman sa survey si da­ting House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nakakuha ng rating na 26%.

Ang Pulse Asia survey ay ginawa habang nasa kainitan ng isyu sa naganap na insidente sa Recto Bank sa Palawan matapos banggain ng Chinese vessel ang bangka ng 22 mangingisdang Pilipino.

Nagpasalamat naman si Sotto sa publiko dahil sa patuloy nilang pagtitiwala at suporta sa kanyang trabaho.

“I am humbled by the conti­nued display of support from the public. The latest survey is a reflection not on my leadership but on the institution which I serve,” ayon sa statement ng Senate President. (Aileen Taliping/Dindo Matining)

The post 8 sa bawat 10 Pinoy kuntento sa trabaho ni Digong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *