8 patay, 11 sugatan sa bumaligtad na killer bus

KAAGAD na nasawi ang walo katao habang 11 pa ang nasugatan, nang bumaligtad ang isang pampasaherong bus sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City, noong Biyernes nang gabi.

The post 8 patay, 11 sugatan sa bumaligtad na killer bus appeared first on Abante News Online.

8 patay 11 sugatan sa bumaligtad na killer bus - 8 patay, 11 sugatan sa bumaligtad na killer bus
ABANTE nlex - 8 patay, 11 sugatan sa bumaligtad na killer bus

Ni Orlan Linde

KAAGAD na nasawi ang walo katao habang 11 pa ang nasugatan, nang bumaligtad ang isang pampasaherong bus sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City, noong Biyernes nang gabi.

Sa report ni P/CMSg. Chandiu M. Nambio ng Vehicle Traffic and Investigation Unit (VTIU) kay P/Col. Carlito M. Gaces, kinilala ang mga namatay na sina Leo Victorino, 38, ng No. 132 Ibaba, Tabing Bakod, Sta. Maria, Bulacan; Jennifer Fernandez, 32, nakatira sa No. 7 KJJ St., Brgy. East, Quezon City; Joan Salcedo Garcia ng Cainta Rizal; Mary Grace Alvarez; Maria Paza Mariano; at Zeus Lapig.

Habang isinusulat ang artikulong ito, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang lalaki.

Sabi ni Col. Gaces, nagtamo ng labis na pinsala sa ulo ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Dinala naman sa tatlong pagamutan gaya ng Valenzuela City Medical Center (VCMC), Manila Central University (MCU) Hospital at Quezon City Hospital ang mga nasugatan na sina Cherilyn Del Rosario, 23; Michael Abogadie, 28; Nikki Agustin, 27; Arjay Mark Mallari, 31; John Patrick Gayon, 10; Justice Gayon, 10; Niel Bryan Antonio; Jayvie Arrosgado; Leonila Hermogenes; Rafael Moran Giro at Rhedel Lucas.

Sa imbestigasyon ni P/CMSg. Nambio, bandang alas-7:15 nang gabi, galing sa Sta. Maria Bulacan ang Buenasher Transport (AGA-8610) na minamaneho ni Victoriano De Los Reyes, 39, nakatira sa No. 38 B. Kanto Pulong Buhangin, Sta. Maria Bulacan, kungsaan 30 pasahero ang sakay patungong Cubao, Quezon City.

Malakas ang ulan ng mga sandaling iyon at pagdating sa RM 12+ 800 South Bound NLEX, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City, nag-over take daw si De Los Reyes sa Izusu Crosswind (7GG-985) na minamaneho naman ni Marvin Joseph Sipat Giron, 32, nakatira sa No. 111 Medina St., Brgy. 52, Ipil, San Antonio, Cavite City, kasama ang pamilya.

Sa tulin ng takbo ng bus, bahagya nitong nabundol ang hulihang bahagi ng sasakyan ni Giron, kaya kinabig pakaliwa ni De Los Reyes ang manibela, pero dahil madulas ang kalsada at basa ay bumaligtad ang sasakyan saka nagpagulong-gulong ng ilang metro.

Sa kasamaang palad, tumama ang hulihan ng bus sa steel barrier sa gilid ng NLEX at namatay ang mga pasahero na nakasakay sa gawing likuran.

“Yun sakay ng Crosswind hindi nagalusan kasi mabagal naman ang takbo nang dunggulin sila sa puwitan ng bus eh,” ani P/CMSg. Nambio.

“Sabi po ng mga pasahero talaga daw mabilis ang takbo ng bus at zero visibility ang daan kasi ang lakas ng ulan,” dagdag pa ng traffic investigator.

Kaagad namang nagtungo sa lugar si Col. Gaces at mga tauhan ng Valenzuela Rescue Team at dinala sa mga nasabing ospital ang mga sugatang pasahero.

Galit na galit ang mga pasahero na bahagya lang nasaktan at hinanap ang driver na si De Los Reyes, pero naisugod na ito sa VCMC, na nasu­gatan din.

The post 8 patay, 11 sugatan sa bumaligtad na killer bus appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *