8 nalunod sa Boracay dragon boat tragedy

WALO katao ang nalunod matapos tumaob ang sinasakyan nilang dragon boat habang nag-eensayo sa karagatan ng Boracay Island nitong Miyerkoles nang umaga.

8 nalunod sa boracay dragon boat tragedy - 8 nalunod sa Boracay dragon boat tragedy
ABANTE Boracay dragon boat - 8 nalunod sa Boracay dragon boat tragedy

WALO katao ang nalunod matapos tumaob ang sinasakyan nilang dragon boat habang nag-eensayo sa karagatan ng Boracay Island nitong Miyerkoles nang umaga.

Samantala, nasagip naman ang 13 pa nilang kasamahan na inaalam pa ang pagkakakilanlan ng awtoridad.

Ayon kay Capt. Armand Balilo, tagapagsa­lita ng Philippine Coast Guard (PCG), lulan ang 21 katao ng nasabing dragon boat at nag-eensayo sa karagatang sakop ng Sitio Lingganay, Barangay Manoc-Manoc, Malay, Aklan.

Napag-alaman na dahil sa malakas na daluyong at malalaking alon na sumalubong sa mga rower ay tumaob ang sinasakyan nilang dragon boat dakong alas-7:40 nang umaga.

Kaagad namang nakaresponde ang mga tauhan ng PCG at Malay MPS subalit 13 lang sa mga biktima ang nai­ligtas nang buhay habang ang walong iba pa ay sinikap pang isugod sa Metropolitan Doctors Medical Clinic at St. Gabriel Hospital subalit idineklara na silang dead-on-arrival ng sumuring mga doktor.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente. (Edwin Balasa/Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *