8 km na longganisa pinarada sa Baguio

MAHIGIT sa 1,400 estudyante mula sa iba’t ibang hospitality at tourism management school ang matagum­pay na naiparada ang 7.8 kilometrong haba ng Baguio City longganisa sa Session Road mula sa ginawang pagtatanghal ng ika-15 edition ng Hotel and Rest Tourism HRP Week noong Linggo.

8 km na longganisa pinarada sa baguio - 8 km na longganisa pinarada sa Baguio
bagiuo 1 - 8 km na longganisa pinarada sa Baguio

MAHIGIT sa 1,400 estudyante mula sa iba’t ibang hospitality at tourism management school ang matagum­pay na naiparada ang 7.8 kilometrong haba ng Baguio City longganisa sa Session Road mula sa ginawang pagtatanghal ng ika-15 edition ng Hotel and Rest Tourism HRP Week noong Linggo.

Ayon kay MB Alabanza Longanisa (MAL) proprietor Bondalyn Alabanza, ang record-breaking na pinakamahabang longganisa ay mayroong timbang na 3,600 kilo at binubuo ng 11,950 dosenang marble-type na longganisa na isa sa mga paboritong agahan sa nasabing lungsod.

Ayon kay Alabanza, inabot sila ng dala­wang buwan at kalahati sa preparasyon para sa 16,000 na pi­raso ng longganisa para wasakin ang record nito sa nangyaring kaparehong parada anim na taon na ang nakakaraan.

“We are elated over the successful presentation of the third edition of the Longest Baguio Longanisa parade to our people and visitors. Our efforts in preparing for such a successful activity really paid of and we hope for future similar partnerships with the HRB and the local go­vernment in the future for us to contribute in enticing people to visit our beloved Baguio,” ani Alabanza.

Sinabi ni Alabanza, ang pinaradang longganisa ay gawa sa 1,700 kilo ng learn pork, 1,300 kilo ng taba ng baboy, 300 kilo ng Ilocos na bawang, 262 kilo ng dry spices at 71 na lit­ro ng wet ingredient.

Sinabi ng MAL, gusto nilang ipakita sa buong siyudad ng Baguio na hindi sila apektado ng African swine fever. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *