78 Pinoy sa South Korea kinapitan ng COVID-19

Umabot sa 78 Pinoy na nakatira sa South Korea ang tinamaan ng new coronavirus, ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul.

78 pinoy sa south korea kinapitan ng covid 19 - 78 Pinoy sa South Korea kinapitan ng COVID-19
South Korea - 78 Pinoy sa South Korea kinapitan ng COVID-19

Umabot sa 78 Pinoy na nakatira sa South Korea ang tinamaan ng new coronavirus, ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul.

Lahad ni Chargè d’Affaires Christian de Jesus, nanggaling ang mga report ng kumpirmadong kaso sa health authority ng South Korea sa tulong na rin ng komunidad ng mga Pinoy sa naturang bansa.

Aniya pa, 34 sa mga Pinoy ang nakarekober na, habang ang natitirang 44 ay patuloy na nagpapagaling, karamihan umano dito ay mild case.

“Sila ay nasa government medical facilities and health institutions at sila po ay tinututukan at nakikipag-ugnayan ang ating embassy para matugon po at malaman ang kanilang kalagayan,” saad ni De Jesus.

Dagdag pa nito, nagkaloob ng $200 cash assitance ang gobyerno ng ‘Pinas sa 700 overseas Filipino worker sa South Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *