77K pamilya nasa mga evacuation center – DSWD

Mahigit 77,000 na pamilya ang nananatili sa may 2,465 evacuation center sa walong rehiyon, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

The post 77K pamilya nasa mga evacuation center – DSWD first appeared on Abante.

77k pamilya nasa mga evacuation center dswd - 77K pamilya nasa mga evacuation center – DSWD
evac - 77K pamilya nasa mga evacuation center – DSWD

Mahigit 77,000 na pamilya ang nananatili sa may 2,465 evacuation center sa walong rehiyon, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Sa Laging Handa briefing nitong Lunes, sinabi ni Bautista na mahigit 600,000 pamilya o dalawang milyong indibiduwal ay mula sa National Capital Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Cordillera Administrative Region.

“Mula sa bilang na ito, higit 77,000 na pamilya o mahigit 300,000 katao ang kasalukuyang nasa 2,465 evacuation centers sa mga apektadong lugar,” lahad ni Bautista.

Samantala, nasa 60,518 na pamilya naman aniya ang nanatili muna sa kanilang mga kaanak o kaibigan matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

The post 77K pamilya nasa mga evacuation center – DSWD first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *