770 private school talo sa pandemya,500K student umalis

Mahigit 700 mga pampribadong paaralan sa buong bansa ang hindi magbubukas ng klase ngayong darating na school year 2020-21.

The post 770 private school talo sa pandemya,500K student umalis first appeared on Abante.

770 private school talo sa pandemya500k student umalis - 770 private school talo sa pandemya,500K student umalis
room - 770 private school talo sa pandemya,500K student umalis

Mahigit 700 mga pampribadong paaralan sa buong bansa ang hindi magbubukas ng klase ngayong darating na school year 2020-21.

Ito ay dahil sa kakulangan umano ng mga estudyante na nagsilipatan sa mga pampublikong paaralan ngayong iiral ang distance learning system dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Sa panayam ng Abante Radyo Tabloidista kay Undersecretary Tonisito Umali ng DEPED Legislative Affairs, External Partnerships and Project Management Service, halos kalahating milyong mga estudyante na dating nagsisipag-aral sa mga private school ang ngayon ay nagsipag-enroll na sa mga public schools.

Dahil dito apektado at bumaba anya ang enrollment ng lahat ng 14,435 na mga private school sa buong bansa.

Ayon pa kay Umali, 770 sa mga private school ang nagpaabot na ng pasabi sa DepEd na hindi muna sila magbubukas ngayong school year 2020 -21 na magsisimula sa October 5.

Bunsod nito, nasa 3,233 na mga teachers ng mga nasabing private schools ang pansamantalang nawalan ng trabaho.

Pero ayon kay Umali, sa ilalim ng Bayanihan 2 Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, may mga probisyon doon na mabibigyang ayuda ang mga naapektuhang manggagawa sa sektor ng edukasyon.

Hinihintay na lamang umano ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para mabigyang ayuda ang mga naapektuhang mga guro.

Maging ang mga mahihirap na batang mag-aaral mula elamentary hanggang kolehiyo ay pwede ring makataanggap ng ayuda batay sa itatakda ng IRR ng Bayanihan law 2. (Ronilo Dagos)

The post 770 private school talo sa pandemya,500K student umalis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *