73-anyos nagluwal ng kambal

ISANG 73-anyos na babae sa India ang nagsilang ng kambal na anak nitong Huwebes, Setyembre 5.

73 anyos nagluwal ng kambal - 73-anyos nagluwal ng kambal
ABANTE kambal - 73-anyos nagluwal ng kambal

ISANG 73-anyos na babae sa India ang nagsilang ng kambal na anak nitong Huwebes, Setyembre 5.

Ito ang kauna-unahang anak ni Mangayamma Yaramati na nabuntis sa pamamagitan ng in vit­ro fertilization (IVF) at nanganak sa pamamagitan ng Caesarean section.

Labis naman ang tuwa ng 82-anyos na ama sa kambal na anak na babae.
Nabatid na ang huling regla ni Yaramati ay 25 taon na ang nakalipas pero sa pagnanais nitong maging ganap na ina ay lumapit ito sa maraming doktor.

Umasa si Yaramati na magkakaanak pa dahil mayroon siyang kababayan na nanganak pa kahit 55-anyos na matapos sumailalim sa proseso ng IVF.

Ginamit ang semil­ya ng ama at ng isang donor at nabuntis si Yaramati noong Ene­ro.

Dahil sa posibilidad na hindi na nila makita ang pagdadalaga ng kanilang kambal dahil sa kanilang katandaan, ipinaubaya na lamang nila sa Diyos ang kanilang magi­ging kapalaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *