700K worker masisibak sa corporate tax reform bill

KAILANGAN umanong pag-aralang mabuti ng Department of Finance (DOF) kung paano mapoprotektahan ang trabaho ng libo-libong Pilipino kapag naisabatas ang panukalang Corporate Income Tax Incentives Reform Act (CITIRA), ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

700k worker masisibak sa corporate tax reform bill - 700K worker masisibak sa corporate tax reform bill
ABANTE tax 2 - 700K worker masisibak sa corporate tax reform bill

KAILANGAN umanong pag-aralang mabuti ng Department of Finance (DOF) kung paano mapoprotektahan ang trabaho ng libo-libong Pilipino kapag naisabatas ang panukalang Corporate Income Tax Incentives Reform Act (CITIRA), ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Inihayag ni Gatchalian, ang kanyang pag-aalinlangan sa pagpasa ng CITIRA, lalong-lalo na kung ang seguridad sa trabaho ng humigit kumulang 700,000 manggagawa ang nakataya bunga ng pagtanggal ng mga insentibong natatanggap ng maraming kompanya at korporasyon na nakabase sa Pilipinas.

“Mahirap ho sa amin na suportahan ang isang batas kung alam naming marami sa ating mga kababayan ang mawawalan ng trabaho,” saad ni Gatchalian, vice-chairman ng Senate committee on economic affairs.

“Gumagawa tayo ng mga trabaho sa isang banda, ngunit tatanggalan naman natin ng trabaho ang ibang tao. At nakasaad yun sa panukalang batas. Ito mismo ang nagsasabing magkakaroon ng kawalan ng trabaho,” sambit pa nito.

Ayon kay Gatchalian, kung maging batas ang CITIRA, halos 121,000 direct job at 582,000 indirect employment ang mawawala.

Kung pananatilihin naman ang mga kasalukuyang insentibo, magkakaroon naman ng 5 hanggang 10 porsiyentong paglaki taon-taon sa sektor ng paggawa o katumbas sa 1 hanggang 2 milyon at 4 hanggang 8 milyon direkta at hindi direktang trabaho ang malilikha sa susunod na 10 taon.

Dahil dito, inirekomenda ni Gatchalian kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na magkaroon ng masusing pag-aaral sa magiging epekto ng CITIRA sa seguridad ng trabaho ng maraming Pilipino at magsagawa ng comparative analysis ukol sa halaga ng kalakal at pagnenegosyo sa bansa, bukod pa sa iba pang dapat suriin.

“Nais kong ipaabot ito sa komite dahil kailangan muna nating talakayin ang lahat para makabuo ng isang matalinong desisyon upang masuportahan itong panukalang batas, o di kaya’y para magkaroon ng konting adjustments,” sabi ng senador.

“Napakasentive natin sa job losses at job creation. Sa tingin ko, lahat naman ay nagsusumikap na makagawa ng trabaho,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *