700K OFW nganga sa pandemya

UMABOT sa 500,000 overseas Filipino workers na ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID19 pandemic at maaring madagdagan pa ito ng 200,000 pag hindi makaahon ang ekonomiya ng mundo.

The post 700K OFW nganga sa pandemya first appeared on Abante.

700k ofw nganga sa pandemya - 700K OFW nganga sa pandemya
OFW - 700K OFW nganga sa pandemya

UMABOT sa 500,000 overseas Filipino workers na ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID19 pandemic at maaring madagdagan pa ito ng 200,000 pag hindi makaahon ang ekonomiya ng mundo.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), aabot sa 700,000 ang OFWs na apektado ang trabaho ng COVID19.

Dahil sa mga nawalang trabahong OFWs, nakikinita ng Bangko Sentral ng Pilipinas deputy governor Francisco Dakila na bababa ang pinadadala nilang pera sa mga kamag-anak dito sa bansa ng 4%.

Noong 2019 ay $33.5 bilyon ang pinadalang pera ng mga OFWs.

Sa 4%, $1.3 bilyon ang mababawas sa kabuuang remittances ngayong taon.

Sabi ng DOLE kahapon, may mga pagkakataon namang makakuha ng trabaho ang OFWs particular na ang mga construction workers sa Guam at ang mga nasa sektor ng information technology sa Europa.

Babala ng DOLE, maaring matagalan bago mabuksan ang trabaho sa OFWs sa sektor ng turismo sa ngayon dahil apektado ng pandemya ang buong mundo. (Eileen Mencias)

The post 700K OFW nganga sa pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *