70-anyos na lola nagtapos ng HRM

Hindi sumuko ang isang lola sa kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo kahit pa siya’y senior citizen na.

The post 70-anyos na lola nagtapos ng HRM first appeared on Abante.

70 anyos na lola nagtapos ng hrm - 70-anyos na lola nagtapos ng HRM
abante hrm - 70-anyos na lola nagtapos ng HRM

Hindi sumuko ang isang lola sa kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo kahit pa siya’y senior citizen na.

Nag-viral sa social media ang post ni MJ Latorza Fernandez, isang college instructor na naging estudyante si lola Marina Loloy.

Sa kanyang post pinakita ang graduation picture ng lola, na nakuha ang diploma sa BS Hotel and Restaurant Management sa West Visayas State University Calinog Campus sa Lambunao, Iloilo.

Pag-amin ni lila, nakaramdam din siya ng hiya dahil sa kanyang edad habang ang kasabayan niya ay mga bata pa, ngunit nangibabaw ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Naging inspirasyon din para kay lola Marina ang kanyang 11 na anak, kung saan 10 dito ay kanya nang napagtapos kaya naisip ding ipagpatuloy ang kanyang edukasyon.

Naging malaking tulong kay lola ang kanyang mga anak, na kasama din niyang nagpupuyat tuwing kailangang mag-review para sa mga exam.

The post 70-anyos na lola nagtapos ng HRM first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *