7 sapol ng COVID sa libing, birthday party

Nagpositibo ang 7 katao sa COVID-19 matapos umanong dumalo sa burol at birthday party sa bayan ng Luna, Isabela.

The post 7 sapol ng COVID sa libing, birthday party first appeared on Abante.

7 sapol ng covid sa libing birthday party - 7 sapol ng COVID sa libing, birthday party
COVID 4 - 7 sapol ng COVID sa libing, birthday party

Nagpositibo ang 7 katao sa COVID-19 matapos umanong dumalo sa burol at birthday party sa bayan ng Luna, Isabela.

Sa pahayag ni Luna Mayor Jaime Atayde, 3 pasyente ng COVID-19, pawang residente ng bayan ng Cabatuan, ang pare-parehong dumalo sa libing sa Brgy. Harana, Luna ng nasabing lalawigan nitong Agosto 14. Aniya, sa parehong lugar, isang birthday party naman ang naganap nitong Agosto 28 at 3 guest ang tinamaan ng COVID-19.

Sinabi pa ni Atayde, isang empleyado ng Cauayan City Hall, na sumama sa parehong okasyon, ang nahawaan din ng virus kaya, pinag-utos na ang lockdown sa gusali.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na may nahawaan ng COVID-19 dahil sa mass gathering sa Isabela.

Naunang napaulat na isang estudyante ang nagka-virus matapos ang ginawang face-to-face class ng isang pribadong eskuwelahan na dinaluhan ng lampas 20 katao. Sa ngayon ay iniimbestigahan na ang insidente habang nagsagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalumuha ng nagpositibo. (Allan Bergonia)

The post 7 sapol ng COVID sa libing, birthday party first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *