7 judge pinarangalan ni CJ Bersamin

Naniniwala si Chief Justice Lucas Bersamin na ang competence, integrity at independence ang pinakaimportanteng katangian ng bawat judge sa bansa.

7 judge pinarangalan ni cj bersamin - 7 judge pinarangalan ni CJ Bersamin
Lucas Bersamin - 7 judge pinarangalan ni CJ Bersamin

Naniniwala si Chief Justice Lucas Bersamin na ang competence, integrity at independence ang pinakaimportanteng katangian ng bawat judge sa bansa.

Ito ang sinabi ni Bersamin sa ginanap na awarding ceremonies ng 2019 Search for Outstanding Judges and Clerks of Court nitong Oktubre 4, 2019 sa Manila Hotel.

Pinarangalan ngayong taon sina Judge Gener Gito ng Regional Trial Court Branch 92 sa Balanga City, bilang Chief Justice Cayetano Arellano Awardee; Judge Virgilio Macaraig ng RTC Branch 37 sa Manila ng Chief Justice Jose Abad Santos Awardee at Judge Raymond Reynold Lauigan ng RTC Branch 1 ng Tuguegarao City, Cagayan bilang Chief Justice Ramon Avanceña Awardee.

Kasama rin sa mga pinarangalan sina Judge Cassandra Anastacio-Mendinueto ng Metropolitan Trial Court (MeTC) Branch 22, Manila; Judge Eriza Pagaling-Zapanta ng MeTC Branch 4, Manila; at Judge Belen Salespara-Carasig ng MeTC Branch 88, Parañaque City bilang Outstanding MeTC Judges.

Si Atty. Charlene Clara G. Mendoza naman ng RTC Branch 84 ng Batangas City ay ginawaran ng Outstanding Branch Clerk of Court.

Tinaguriang “embodiment of good judges” at “beacons of excellence” ni Bersamin ang mga ginawarang judge dahil sa kanilang pagsusumikap sa kani-kanilang trabaho. (anne lorraine gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *