7 gabay sa public transport tinulak ng 3 health expert

Dahil pagtutulungan ng IATF, Department of Health, at One Hospital Command upang tugunan ang pandemyang COVID-19, naging matagumpay ang pagkontrol at pagpapabuti sa kapasidad at sitwasyon ng mga ospital sa bansa, ayon sa ilang health expert.

The post 7 gabay sa public transport tinulak ng 3 health expert first appeared on Abante.

7 gabay sa public transport tinulak ng 3 health expert - 7 gabay sa public transport tinulak ng 3 health expert
119860083 1729861210503287 5371479647175867291 n - 7 gabay sa public transport tinulak ng 3 health expert

Dahil pagtutulungan ng IATF, Department of Health, at One Hospital Command upang tugunan ang pandemyang COVID-19, naging matagumpay ang pagkontrol at pagpapabuti sa kapasidad at sitwasyon ng mga ospital sa bansa, ayon sa ilang health expert.

Iginiit nina Dr. Esperanza Cabral, dating Secretary ng

Department of Health, Dr. Manuel Dayrit, ex- DOH Secretary at Dr. Jun Belizario

Dean College ng Public Health UP Manila na kailangan tulungan ang ating bansa na makabangon. Kailangan natin labanan ang pag-urong ng ekonomiya na nakakaapekto sa mga pangkabuhayan ng mga mamamayan. Makakatulong sa mga Pilipino na magkaroon ulit ng pagkakataong makapag-trabaho at buhayin ang kanilang pamilya. Ang pagbuhay muli sa ekonomiya ng bansa ay para din sa kabutihan at kalusugan ng sambayanan.

Ngunit, hindi magiging posible na buhayin ang ekonomiya kung hindi dadagdagan ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon na tumatakbo lamang ng 20 hanggang 30 porsyento mula sa kanilang kapasidad bago ang pandemya dahil sa takot ng mga mamamayan magkasakit kapag nagsiksikan sa mga public transport.

Ang pahayag na ito ay mula sa hanay ng mga doktor mula sa iba’t ibang larangan, na ang layunin ay tumulong makabangon ang bansa.

Ang ilalahad namin dito ay ang mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng mga tao habang binubuhay ang ekonomiya.

Ipinrisinta namin ito sa IATF noong September 14.

Ang aming posisyon ay maaari nating doblehin o triplehin ang kapasidad ng public transport na hindi nanganganib ang kalusugan ng publiko, sa pag-relax ng social distancing rules, particular sa mga bus at jeep habang mahigpit na ipinapatupad tinagurian naming Pitong Kautusan sa pampublikong transportasyon.

Pagsuot ng tama at maayos na face mask
Pagsuot ng face shield
Bawal makipag-usap o kumain
Maayos ang bentilasyon
Madalas at maayos na disinfection
Walang sintomas ang mga pasahero
Angkop at sapat na physical distancing
Kailangang mahigpit na ipatupad ang 7 Kautusan na ito at bantayan ang implementasyon. Naniniwala kaming habang dinadagdagan ang mga sasakyan, at mga panukala sa service contracting, walang isang hakbang ang maaaring gawin para itaas ang kapasidad kaagad na walang matinding kapalit.

Inirekomenda ng WHO ang 1 meter distance ng mga pasahero pero pinapayagan ang adjustment batay sa konteksto. Sa pagtalaga ng mga protokol, ang panukala namin ay unti-unting pagbawas ng kasalukuyang 1 meter physical distancing sa 0.5 meters. Sa pagbawas ng physical distancing, madodoble ang bilang ng mga pasahero at ang mas kritikal ditto, mabubuhay ang operasyon ng public transport system.

Batay sa aming pag-aaral ng mga polisya sa ating mga kapitbahay na bansa tulad ng Japan at Singapore, may ebidensya na maaaring ibaba sa 1M ang physical distancing habang binababaan din ang risk of infection.

Sa isang pag-aaral ang Duke University, halimbaw, nakitang nababawasan ng surgical mask ang pagkalat ng mga droplet (patak) nang 99%. Habang ang hindi pakikipag-usap ay nababawasan ang risk of infection ng 4x. Idagdag pa dito, sa meta-analysis ng Lancet, nakitang nababawasan ng face mask at face shield ang virus transmission nang 5x o 3x. Ito ang sitwasyon sa Japan kung saan magkakatabi sa tren ang mga pasahero pero patuloy na bumababa ang kaso ng COVID.

Para malinaw, marami pa kaming ibang panukala at pag-aaral. Ang mga pampublikong polisiya ay walang mabilis at madaling solusyon, at ang paglutas sa transport crisis sa pandemya ay kasali dito. Kung posible, nais naming makipagtalakayan pa ng mas masinsinan sa IATF tungkol sa aming mga panukala para sa isang makabuluhang konsultasyon na magpapaunlad ng ating ekonomiya at pampublikong kalusaugan.

Naniniwala kaming mas matindi ang epekto ng mahabang resesyon sa sambayanan kaysa sa minimal na panganib mula sa aming panukala, at mayroong paraan para mabalanse ang public transport capacity at public health.

Nakasalalay ang plan sa tamang pagpapatupad ng mga hakbang, gayundin sa tamang edukasyon at kooperasyon ng publiko na sumunod sa mga naturang pamantayan. Umaasa kaming sa pagta-trabaho ng sabahy, ang 7 Kautusan na ito ay magiging new normal, at magtatagumpay tayong buhayin ang ekonomiya at ibalik ang maayos na pamumuhay ng lahat.

The post 7 gabay sa public transport tinulak ng 3 health expert first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *