7-Eleven ginto ang presyo

Patuloy diumano ang ginawang pagsasamantala ng 7-Eleven at iba pang mga convenience store sa mga mamimili bunga na rin ng sobrang mahal na mga paninda nito sa Kalakhang Maynila at karatig na probinsya, ayon kay Senador Imee Marcos.

7 eleven ginto ang presyo - 7-Eleven ginto ang presyo
ABANTE 7 Eleven - 7-Eleven ginto ang presyo

Patuloy diumano ang ginawang pagsasamantala ng 7-Eleven at iba pang mga convenience store sa mga mamimili bunga na rin ng sobrang mahal na mga paninda nito sa Kalakhang Maynila at karatig na probinsya, ayon kay Senador Imee Marcos.

Sabi ng mambabatas, hindi makatao ang presyo ng mga itinitinda ng mga convenience store tulad ng 7-Eleven, lalo na ang mga basic commodities na noodles, canned goods, sabon, kape at iba pang bilihin.

“‘Yung Ligo at Young’s Town sardines ay P27 ang isa sa 7-Eleven, samantalang P21 lang ito sa mga sari-sari store. Ang Tide bar P15 pero kung sa tindahan ka bibili P11 lang ito. Ang safeguard soap mabibili mo ng P38 samantalang P29 lang ito. Ang Kopiko P6 pero P12 sa 7-Eleven. Ano ‘yan, ginto ang presyo?” Tanong ni Marcos.

Ayon pa sa senador, hindi rin makatuwiran dahil sa bukas ng 24-oras at naka-aircon ang isang convenience store ay malaya na silang makapagtataas at makapagtatakda ng kanilang presyo na gugustuhin.

“Presyo pa rin ang pinag-uusapan dito. Kombinyente ka ngang bumili pero napakamahal naman ng bilhin eh, ‘di wala rin! Ano ‘yan, walang magbabantay sa kanila basta sila na lang ang magdidikta ng kanilang presyo?” sambit nito.

Dahil dito, nanawagan si Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) na magkaroon ng monitoring group na tututok lamang sa mga convenience store para mabantayan ang mga presyo ng kanilang ipinagbibiling produkto sa mga consumers.

“Kung epektibo ang SRP dapat ay ipatupad ito sa mga convenience store. Pero higit na mabuti kung mapapababa ng DTI ang presyo ng mga ipinagbibili nilang produkto,” saad pa ng senadora. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *