7 Chinese arestado sa Zambales illegal dredging

Pitong lalaking Chinese national ang dinampot ng Bureau of Immigration-Intelligence Division (BI-ID) sa Masinloc, Zambales dahil sa pagtatrabaho nang walang work permit at kaukulang visa, matapos masangkot sa iligal na aktibidad sa paghuhukay ng buhangin.

7 chinese arestado sa zambales illegal dredging - 7 Chinese arestado sa Zambales illegal dredging
kulong 4 - 7 Chinese arestado sa Zambales illegal dredging

Pitong lalaking Chinese national ang dinampot ng Bureau of Immigration-Intelligence Division (BI-ID) sa Masinloc, Zambales dahil sa pagtatrabaho nang walang work permit at kaukulang visa, matapos masangkot sa iligal na aktibidad sa paghuhukay ng buhangin.

Sa isang ulat na ipinarating kay BI ­Commissioner ­Jaime Morente, nahuli ang nasabing mga Intsik sa ­pinagsanib na puwersa ng BI intelligence agents mula sa Manila at ­Region 3, sa pakikipag-ugnayan at tulong ng PNP 305th ­Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion at ­Regional ­Special Operations Group Region 3.

“The subject arrested foreigners violated not only our immigration Laws but also the Philippine Mining Act of 1995 and Executive Order 292,” wika ng BI chief.

“They are seriously threatening national security and interest by stealing our minerals and resources,” ­dagdag pa ni Morente.

Nabatid na tatlong grupo ang naghanap sa anim na barko na kinabibilangan ng “Sand Carrier ­Horner 1” kung saan natagpuan sina Chen Shiniu at Chen ­Shaoshao, at ang “Dredger Warrior 6” na sakay sina Xu ­Xiansheng, Jiang Xin, Zhao Yihong, Gong Yaan and Xie Yuhong, pawang mga Chinese national.

Matapos maaresto ang mga ito, agad silang dinala sa BI Main Office, para sa karagdagang beripikasyon at ­detalye. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *