7 biktima ng trafficking nasagip sa NAIA

NAILIGTAS ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pitong pinaghihinalaang biktima ng human trafficking nang maharang sila ­dahil sa mga pekeng travel document.

7 biktima ng trafficking nasagip sa naia - 7 biktima ng trafficking nasagip sa NAIA
human trafficking 1 - 7 biktima ng trafficking nasagip sa NAIA

NAILIGTAS ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pitong pinaghihinalaang biktima ng human trafficking nang maharang sila ­dahil sa mga pekeng travel document.

“These fraud syndicates continue­ to ignore our warnings.­ There will be no letup in our campaign against human trafficking and their victims will not be allowed to leave if they are caught,” pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente.

Inilabas ni Mo­rente ang pahayag matapos maharang ang pitong mga pasahero mula sa pag-alis ng bansa noong nakaraang linggo sa tatlong magkahiwalay na pagkakataon sa terminal 3 at 1 ng NAIA.

Ang pinakahu­ling mga pinigil na kinabibilangan ng limang pasahero na nagpanggap bilang mga turista ay paalis sana ng Malaysia noong Oktubre 5 sa NAIA 3.

“They admitted paying their recruiters­ fees ranging­ from P125,000 to P175,000 each in exchange for processing their jobs and travel papers to Australia, which was their final destination,” ani BI port operations division chief Grifton Medina.

Sinamahan umano ang mga ito ng isang babae na naharang din dahil naman sa nakabinbing kaso ng estafa at illegal recruitment laban sa kanya. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *