7 BIFF utas sa North Cotabato

PATAY ang pitong hinihinalang miyembro ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) makaraan ang engkuwentro kontra pinagsamang puwersa ng pulisya at militar sa bayan ng Misdayap, North Cotabato Miyerkoles nang madaling-araw.

7 biff utas sa north cotabato - 7 BIFF utas sa North Cotabato
abante patay - 7 BIFF utas sa North Cotabato

PATAY ang pitong hinihinalang miyembro ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) makaraan ang engkuwentro kontra pinagsamang puwersa ng pulisya at militar sa bayan ng Misdayap, North Cotabato Miyerkoles nang madaling-araw.

Base sa ulat, dakong alas-singko kamakalawa nang madaling-araw nang mangyari ang engkuwentro ng composite military at police unit kontra sa mga pinaniniwalaang miyembro ng BIFF sa Sitio Narra, Barangay Tumbras ng nabatid na bayan.

Ayon sa ulat ng 602nd Brigade ng Philippine Army, namataan ang grupo na pinamumunuan ni Mama Macalimbol sa nabatid na lugar.

Mabilis namang nakaresponde sa lugar ang Midsayap Police at tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army na agad silang pinaputukan ng mga rebelde.
Gumanti ng putok ang awtoridad dahilan ng 40 minutong palitan ng putok ng magkabilang panig.

Kabilang sa mga nasawi sa engkiwentro si Macalimbol, 35-anyos, isa umano sa lider ng grupo na mayroong mga warrant of arrest sa mga kasong multiple murder, habang isa pa sa nasawi ang isang Bidis Macarmibang, inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng lima pa nilang nasawing mga kasamahan.

Wala namang naiulat na napatay o nasawi sa panig ng sundalo at pulisya sa naganap na labanan.

Narekober sa mga bangkay ang dalawang cal.30 garand riffle, dalawang M14 rifle, isang cal. 50 Improvised Barrett, tig-isang improvised 7.62 mm M14 rifle, M16 rifle, at mga pampasabog.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang combat clearing operation ng pulisya at sundalo sa lugar ng pinangya­rihan ng engkuwentro. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *