7-anyos patay sa rabies

NASAWI ang isang batang lalaki dahil umano sa impeksiyon ng rabies matapos na makagat ng alagang tuta sa Tagkawayan, Quezon.

The post 7-anyos patay sa rabies appeared first on Abante News Online.

7 anyos patay sa rabies - 7-anyos patay sa rabies
ABANTE laoag rabies free - 7-anyos patay sa rabies

NASAWI ang isang batang lalaki dahil umano sa impeksiyon ng rabies matapos na makagat ng alagang tuta sa Tagkawayan, Quezon.

Ayon sa report ng Tagkawayan Police, pumanaw noong Linggo ang biktimang si Kenneth Brios, 7-anyos, residente ng Barangay Casispalan sa nasabing bayan.

Batay sa record ng Tagkawayan District Hospital, isinugod ang bata noon ding araw ng Linggo makaraang dumaing ng hirap sa paghinga at pangingitim ng labi at iba pang bahagi ng katawan na nagsimula nang araw ng Sabado.

Sa ospital, kinumpirma ng doktor na may impeksiyon ng rabies ang bata.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, noon pang Mayo 27 nakagat ng kanyang tuta sa mukha ang bata subalit wala naman itong naging sintomas ng sakit noong mga sumunod na araw matapos na ito ay ipagamot ng mga magulang sa albularyo at ipinasipsip umano ang rabies mula sa katawan.

Tiniyak pa umano ng albularyo na maayos na ang kalagayan ng bata kahit na namatay ang tuta makalipas ang 10 araw.

Nakapasok pa sa eskuwelahan ang biktima noong pasukan hanggang sa nitong nakaraang Sabado ay kinakitaan na ito ng sintomas ng rabies.

Sa payo na rin ng mga doktor sa Tagkawayan District Hospital, inilipat pa sa RITM-Alabang ang biktima suba­lit binawian na ito ng buhay habang itinatakbo patungo sa Alabang.

Nakatakda namang bakunahan ng anti-rabies ang guro at mga kaklase ng biktima  sa susunod na mga araw para matiyak na hindi mahahawahan ng rabies ang mga ito.

Nagpayo naman ang mga opisyal ng Tagkawayan Municipal Health Office na sana ay huwag nang magpaalbularyo ang mga nakagat ng aso at kaagad magtungo sa mga  sa health center o sa ospital para matiyak ang kanilang kaligtasan. (Ronilo Dagos)

The post 7-anyos patay sa rabies appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *