7.6M pamilya gutom sa pandemya

Tinatayang abot sa 7.6 milyong Pilipino ang nakaranas ng kagutuman dahil walang makain sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

The post 7.6M pamilya gutom sa pandemya first appeared on Abante.

7 6m pamilya gutom sa pandemya - 7.6M pamilya gutom sa pandemya
abante pamilya - 7.6M pamilya gutom sa pandemya

Tinatayang abot sa 7.6 milyong Pilipino ang nakaranas ng kagutuman dahil walang makain sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa datos ng SWS sa survey na isinagawa noong September 17 hanggang 20, 30.7 percent ng mga Pinoy ang naggutom dahil salat sa pagkain, mas mataas sa 20.9 percent na naitala noong Hulyo.

Sa 7.6 milyong pamilya, nasa 5.5 milyon ang nakaranas ng ‘moderate hunger’ o iyong mga nagutom ng isa o minsan na pagkagutom.

Habang 2.2 milyon naman ang lumabas na dumaan sa ‘severe hunger’ o iyong malimit o laging nagugutom bawat araw.

Sa Metro Manila, nakitaan ng pagtaas ng hunger rate na mula 16.3 percent ay sumirit sa 28.2 percent.

Tumaas din sa Mindanao na nasa 37.5 percent, at Visayas na lumobo sa 40.7 percent.

Ang naturang survey ay sinagot ng 2,149 na Pinoy sa gamit ng telepono. (RP)

The post 7.6M pamilya gutom sa pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *