69-anyos Muntinlupeña nagtapos sa kolehiyo

Pinagpugayan ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang isang residente sa lungsod na nagtapos ng kolehiyo sa edad na 69.

69 anyos muntinlupena nagtapos sa kolehiyo - 69-anyos Muntinlupeña nagtapos sa kolehiyo
mo - 69-anyos Muntinlupeña nagtapos sa kolehiyo

Pinagpugayan ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang isang residente sa lungsod na nagtapos ng kolehiyo sa edad na 69.

Kahirapan umano ang pumigil kay Violeta Mendoza ng Poblacion upang matupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Peor makalipas ang 55 taon matapos niyang magtapos sa elementarya, at nagkaroon na ng 11 anak at 30 apo, nakamit niya ang kanyang inaasam na college degree.

Nakapagtapos siya ng degree sa Bachelor of Elementary Education Major in Special Education sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.

Binida naman ni Biazon si Mendoza sa social media. “Proud of this Muntinlupeña…Nanay Violy, 69 years old, earns degree in Education decades after poverty prevented her from proceeding to high school and higher education,” tweet ng mambabatas noong Linggo.

Dagdag niya, “An inspiring story proving that dreams do come true.” (Shane Dela Cruz)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *