687 HIV case naitala sa Iloilo

hiv1

MAGMULA 1986 hanggang Marso 2019, nakapagtala na ang Department of Health-Region 6 (DOH-6) ng kabuuang 687 na kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Iloilo.

687 hiv case naitala sa iloilo - 687 HIV case naitala sa Iloilo
hiv1 - 687 HIV case naitala sa Iloilo

MAGMULA 1986 hanggang Marso 2019, nakapagtala na ang Department of Health-Region 6 (DOH-6) ng kabuuang 687 na kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Iloilo.

Pinakamataas umanong bilang na mayroong HIV ay nasa munisipalidad ng Oton na may 49 kaso at sa Pavia na may 45.

Batay sa departamento, ang HIV ay sanhi ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS), kondisyon kung saan bumabagsak ang immune system ng isang indibidwal na mayroon nito na posibleng magresulta sa iba pang impeksyon at sakit.

Kabilang pa sa mga bayan na may mataas na kaso ng HIV-AIDS ay ang Pototan, 36; Janiuay, 29; Santa Barbara, 29; Tigbauan, 29; Miag-ao, 28; Passi City, 28; Cabatuan, 26; at Barotac Nuevo, 23.

Pinakamarami umanong nagka-HIV ang mga nasa edad 25 hanggang 34 na uma­bot sa 321. Habang sa age group naman na 15 hanggang 24 ay nagkaroon ng 232 kaso.

Sa mga edad naman na 35 hanggang 49 ay mayroong 117 kaso. Mayroon namang 16 na kaso sa mga 50-anyos pataas at may isa na edad 15 pababa. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *