600K sako ng palay sa NFA warehouse ipagigiling na

KINUMPIRMA ng Natio­nal Food Authority(NFA)-Bulacan na sinisimulan na nilang ipakiskis/ipagiling ang nakaimbak na palay sa mga warehouse sa Bulacan sa mga pribadong rice mill sa Intercity sa Barangay Wakas, Bocaue.

600k sako ng palay sa nfa warehouse ipagigiling na - 600K sako ng palay sa NFA warehouse ipagigiling na
palay - 600K sako ng palay sa NFA warehouse ipagigiling na

KINUMPIRMA ng Natio­nal Food Authority(NFA)-Bulacan na sinisimulan na nilang ipakiskis/ipagiling ang nakaimbak na palay sa mga warehouse sa Bulacan sa mga pribadong rice mill sa Intercity sa Barangay Wakas, Bocaue.

Ayon kay Ed Camua, acting provincial ma­nager ng NFA-Bulacan, may 12 private rice miller mula sa Inter City, isang major rice tra­ding center sa bansa ang nagsimula na ng test milling ng palay mula sa bodega ng NFA sa Bulacan.

Lumilitaw na mayroon pang 600,000 sako ng palay ang nakaimbak sa mga bodega ng NFA sa Bulacan na kanilang ipagigiling sa mga rice mill sa Bocaue at para maiwasan ang suliranin sa mga darating pang palay na kanilang bibilhin sa magsasaka at sa darating na anihan ay kanila na itong ipagigiling.

Ipinaliwanag naman ni Piolito Santos, regional director ng NFA sa Central Luzon, na ang mga test milling procedure ng palay ng mga pribadong rice miller ay kailangang pumasa sa technical specification ng butil ng palay sa NFA bago maibigay sa kanila ang kontrata sa paggiling ng palay.

Nabatid pa na umaabot sa 1.9 milyong sako ng palay ang nakaimbak sa mga bodega ng NFA sa Gitnang Luzon.

Sinabi pa ni Camua na nagsimula na ring bumili ng palay ang kanilang tanggapan sa mga Bulakenyong magsasaka sa halagang P19 kada kilo kapag ito ay tuyo at malinis na may 14 percent moisture content habang ang mga bagong aning palay na may 30 porsi­yentong moisture content ay binibili sa halagang P14 kada killo.

Idinagdag pa ni Camua na target ng kanilang tanggapan na makabili ng 200,000 kaban ng palay sa magsasaka. (Jun Borlongan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *