60 protesta sa WPS(kicker) ‘Pinas tinambakan ang China

china

UMAABOT na sa 60 diplomatic protest ang isinampa ng administrasyong Duterte laban sa China dahil sa pagpasok sa West Philippine Sea, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

60 protesta sa wpskicker pinas tinambakan ang china - 60 protesta sa WPS(kicker) ‘Pinas tinambakan ang China
china1 - 60 protesta sa WPS(kicker) ‘Pinas tinambakan ang China

UMAABOT na sa 60 diplomatic protest ang isinampa ng administrasyong Duterte laban sa China dahil sa pagpasok sa West Philippine Sea, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

“We have filed diplomatic protests at every turn. When they tell me there is an incursion… I fire off a diplomatic protest,” saad ni Locsin sa mga miyembro ng House committee on appropriations habang ipinagtatanggol ang panukalang P22.55-billion budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa 2020.

Ayon kay Locsin, naghahain sila ng protesta kapag pinapasok ng People’s Liberation Army-Navy at ng China Coast Guard ang WPS.

Aniya, binago na rin niya ang nilalaman ng mga protesta laban sa China.
“No nice words anymore,” ayon sa kalihim.

Tumanggi namang magbigay ng detalye sa protesta si Locsin nang hilingin ito ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate. Sa halip na sa public hearing, nakiusap ito na magkaroon sila ng closed door session upang maisawalat niya ito.

“Those are exclusively executive communications between us,” ani ni Locsin. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *