60 katao tiklo sa pamimili ng boto sa Makati

INARESTO ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit (RSOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang walong katao kabilang ang tatlong barangay official na nahuli sa akto ng vote buying habang 52 katao naman ang sa vote selling sa lungsod ng Makati kamakalawa ng gabi.

The post 60 katao tiklo sa pamimili ng boto sa Makati appeared first on Abante News Online.

60 katao tiklo sa pamimili ng boto sa makati - 60 katao tiklo sa pamimili ng boto sa Makati
vote 4 - 60 katao tiklo sa pamimili ng boto sa Makati

INARESTO ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit (RSOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang walong katao kabilang ang tatlong barangay official na nahuli sa akto ng vote buying habang 52 katao naman ang sa vote selling sa lungsod ng Makati kamakalawa ng gabi.

Dakong alas-10:45 nang gabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng Barangay Hall ng San Isidro ng naturang lungsod.

Nakatanggap ng report ang mga operatiba na may nagaganap na vote buying sa lugar matapos na makumpirma agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad.

Dito nahuli sa akto ang mga suspek sa vote buying na nakilalang sila Ka-ren-May Matibag, brgy. treasurer; Medlyn Joy Ong, brgy. secretary at Marie Antoinette Capistrano, admin. Kasama din sina Wenifredo M. Ong, Mario Louis M. Siriban, Adrian B. Chiapoco, John Brian C. Matibag at Ma. Liberty Dacullo.

Karamihan naman sa mga naarestong 52 katao sa vote selling ay mga senior citizens na inamin na pinilit lamang sila ng mga tauhan ng barangay.

Nakumpiska naman ng mga otoridad ang 820 piraso na tig P500 piso na umaabot sa halagang P410,000.

Nakumpiska rin ng RSOU 19 na assorted IDs, 10 cellphone, listahan ng mga botante at mga address, precinct number nila, 2 boxes na leaflet na nakasaad ang pangalan ng kasalukuyang alkade ng Makati Mayor Abigail Binay bilang iboboto sa halalan. (Armida Rico)

The post 60 katao tiklo sa pamimili ng boto sa Makati appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *