6 trainee ng SAF nakuryente

Sa ospital bumagsak ang anim na trainee ng PNP-SAF Commando matapos makuryente sa kanilang training camp sa Calatagan, Batangas kamakalawa.

The post 6 trainee ng SAF nakuryente appeared first on Abante News Online.

6 trainee ng saf nakuryente - 6 trainee ng SAF nakuryente
nakuryente - 6 trainee ng SAF nakuryente

Sa ospital bumagsak ang anim na trainee ng PNP-SAF Commando matapos makuryente sa kanilang training camp sa Calatagan, Batangas kamakalawa.

Ayon sa report ng Batangas Provincial police office, apat sa mga ito ay nagtamo ng mga sugat sa ibat bahagi ng katawan samantalang dalawa ang nagtamo ng mga minor injuries.

Ginagamot pa ang apat sa Metro Balayan Balayan Medical Center na sina Patrolman John Gardoce, John Efren Cachero, Ian Mariano at Pat. Nathaniel Danga.

Nasa Don Manuel Lopez Memorial Hospital naman sina Pat. Gary Tan at Michael Villaester.

Batay sa report, gumagawa ang mga biktima ng water pump sa SAF training camp sa Brgy. Talibayog alas-5:30 nang hapon nang tumama ang hawak ng mga itong bakal na tubo sa linya ng kuryente.

Matatandaang isa ring kasamahan ng mga itong SAF trainee ang nasawi noong nakaraang linggo matapos na ito ay malunod naman sa dagat. (Ronilo Dagos)

The post 6 trainee ng SAF nakuryente appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *