6 re-electionist sa Senado liyamado

PITONG senador ang naghahangad na makabalik sa kanilang puwesto sa eleksyon sa Lunes, Mayo 13. Lima sa kanila ang nasa tic­ket ng administrasyon.

The post 6 re-electionist sa Senado liyamado appeared first on Abante News Online.

6 re electionist sa senado liyamado - 6 re-electionist sa Senado liyamado
ABANTE senate senado - 6 re-electionist sa Senado liyamado

PITONG senador ang naghahangad na makabalik sa kanilang puwesto sa eleksyon sa Lunes, Mayo 13. Lima sa kanila ang nasa tic­ket ng administrasyon.

Bagama’t ang isa pa ay tila nagpapamalas ng independiyenteng paninindigan, ang kandidatong ito’y kinakikitaan ng simpatiya sa kasalukuyang pangasiwaan.

Sa pitong nabanggit, isa lamang ang maituturing na sadyang kabilang sa hanay ng oposisyon sa Senado. Siya ang Candidate No. 9 sa official list ng Comelec para sa mga senatorial candidate. Tanging ang resulta ng botohan ang makapagsasabi kung ang No. 9 ay masu­werteng numero para sa kanya.

Samantalang nabibilang si Candidate No. 9 sa katangi-tanging angkan ng respetadong pangalan sa bansa, una siyang sumulpot sa kamalayan ng madla hindi dahil kamag-anak siya ng mga kilalang personaheng politikal, kundi dahil sa kanyang pagtangkilik sa mga isyung malapit sa puso ng mahihirap.

Bilang senador, isa sa mga batas na iniakda at itinulak niya ay ang Universal Access to Quality Tertiary Education (R.A. 10931).

Nagbibigay ito ng oportunidad sa mga kuwa­lipikadong estudyante na libreng makapagtapos ng kanilang kurso sa lahat ng State Universities and Colleges (SUC) sa Pilipinas.

The post 6 re-electionist sa Senado liyamado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *