6 PMA cadet suspek sa Dormitorio hazing

UMABOT na sa anim ang suspek sa pagkamatay ng Philippine Military Aca­demy (PMA) cadet Darwin Dormitorio dahil hazing.

6 pma cadet suspek sa dormitorio hazing - 6 PMA cadet suspek sa Dormitorio hazing
pma 4 - 6 PMA cadet suspek sa Dormitorio hazing

UMABOT na sa anim ang suspek sa pagkamatay ng Philippine Military Aca­demy (PMA) cadet Darwin Dormitorio dahil hazing.

Ayon kay Police Col. Allen Ray Co, Baguio City Police Office Director, ang ikaanim na suspek ay 2nd Class cadet na pansamantalang hindi muna papa­ngalanan na umano’y isa sa nanakit kay Dormitorio, 20-anyos, bago ito dalhin sa ospital noong Setyembre 17 na kung saan ito umano ang sumipa sa biktima habang nakahiga pa ito sa kama.

“May lumabas na naman ulit na 2nd class cadet involved allegedly sa maltreatment na nangyari kay Cadet 4th Class Dormotorio,” ayon kay CAR-PNP Regional Director P/ Brig. Gen Israel Ephraim Dickson.

“Isa siya sa mga last touch bago dalhin sa ospital si Dormotori. Sa katawan, para nag-inflict din siya ng damage,” dagdag ng opisyal.

Kinilala naman ang tatlong suspek na sina Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao at Cadets 3rd Class Felix Lumbag Jr. at Shalimar Imperial na una nang kinilala ng Baguio City Police na may malaking kaugnayan sa pagpatay kay Dormitorio habang ang dalawa pa na hindi pa napapangalanan ay iniimbestigahan na.

Matatandaang idineklarang dead on arrival sa pagamutan si Dormitorio noong Setyembre 18 na nagtamo ng pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at doon na kinumpirma ng PMA na dahil sa hazing ang sanhi ng pagkamatay nito.

(Vick Aquino/Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *