6 Piston driver sa `Balik Pasada’ dinampot

Matapos mag-ingay sa pagsasagawa ng protestang “Bumusina Para Sa Balik Pasada,” anim na tsuper ng jeep ang dinakip ng mga pulis, Martes ng umaga.

6 piston driver sa balik pasada dinampot - 6 Piston driver sa `Balik Pasada’ dinampot
piston - 6 Piston driver sa `Balik Pasada’ dinampot

Matapos mag-ingay sa pagsasagawa ng protestang “Bumusina Para Sa Balik Pasada,” anim na tsuper ng jeep ang dinakip ng mga pulis, Martes ng umaga.

Ang mga dinakip na pawang miyembro ng transport group na PISTON ay kinilala ng Northern Police District na sina Severino Ramos, 59; Wilson Ramilia, 43; Ramon Paloma, 48; Ruben Baylon, 59; Arsenio Ymas Jr, 56; at Elmer Cordero, 72.

Dinakip ang anim bunsod na rin ng paglabag sa social distancing matapos mag-rally sa EDSA Barangay 83, Edsa, Caloocan City.

Kasunod nito’y agad namang nanawagan ang ka-transport group ng mga dinampot na palayain na ang mga ito.

“Nananawagan ang Piston na suportahan ang panawagan na palayain ang mga hinuling drayber na walang kaso o multa. Gutom ang nagtulak para sa pagkilos ng drayber. Hindi na makaturungan na sa kabila nang kagutuman ay pagmumultahin at paparusahan pa sila,” hirit ng grupo sa kanilang Facebook post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *